Baryang P20, bagong disenyo ng P5 coin inilabas na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baryang P20, bagong disenyo ng P5 coin inilabas na

Baryang P20, bagong disenyo ng P5 coin inilabas na

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2019 05:31 PM PHT

Clipboard

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang baryang P20, na papalit sa papel na bersyon ng pera, pati ang bagong disenyo ng P5 coin.

Sa bagong P20, nakalagay pa rin sa harap si Pangulong Manuel Quezon at naka-display naman sa likod ang native flora na Nilad.

Ang P5 naman ay may nonagon nang hugis o may siyam na gilid o kanto. Binago ang disenyo nito para maiwasan na umano ang kalituhan sa ibang barya.

May mga security feature din ito at nakaimprenta ang letrang mga BSP sa gilid ng barya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa BSP, makatitipid ang gobyerno sa paggawa ng baryang P20 kaysa papel.

Nasa P2 ang ginagastos ng gobyerno sa pag-imprenta ng papel na P20, na tumatagal lang nang 3 hanggang 6 na buwan.

Posibleng tumagal nang 10 taon ang baryang P20, na nagkakahalagang P10 kada piraso.

Inaasahang magsi-circulate ang mga bagong barya sa unang 3 buwan ng 2020.

Kahit may bagong P5 barya, hindi pa rin made-demonitize o mawawalan ng halaga ang mga luma nitong disenyo. -- Ulat ni Bruce Rodriguez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.