ALAMIN: Paano ipaparehistro ang SIM card? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Paano ipaparehistro ang SIM card?

ABS-CBN News
Published Dec 13, 2022 12:35 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2022 08:26 PM PHT

(UPDATE) Sa gitna ng holiday rush, hinikayat ngayong Martes ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko na agad magparehistro ng kanilang SIM card.

Kasunod ito ng paglabas ng implementing rules ang regulations para sa SIM Registration Act, kung saan obligado nang iparehistro ang mga SIM card simula Disyembre 27.

Sa panayaman ng TeleRadyo, sinabi ni NTC consultant Engineer Edgard Cabarios na may 6 na buwan ang publiko para magparehistro at kung kinakailangan ay puwede pa itong palawigin nang 120 na araw.

Online ang pagpaparehistro at kailangan lang sagutin ang form sa website ng mga telco. Kasama sa mga hihinging impormasyon ang pangalan, address, petsa ng kapanganak at kasarian.

Kung wala namang ID, maaari umanong kumuha ng barangay certificate na may larawan.

Para naman sa mga walang access sa internet, sinabi ni Cabarios na puwedeng tumulong ang Department of Information and Communications Technology, telcos at iba pang government agency sa pagpaparehistro.

Nagbabala ang NTC na hindi na magagamit ang SIM card kapag hindi ito naiparehistro.

Tiniyak din ng NTC na ligtas at protektado ang personal data sa SIM Registration Act.

Puwede umanong makulong at magmulta ng hanggang P1 milyon ang mga magbibigay ng maling impormasyon sa registration form.

Kaugnay niyan, naghahanda na ang mga telecommunication company sa nalalapit na pagsisimula ng SIM registration.

Ayon sa Globe, maglulunsad sila ng online portal o website kung saan magpaparehistro ang subscribers.

Handa na umano ang kanilang special assistance desk para tumulong sa mahihirapang magparehistro.

Ayon naman sa Smart, ilang buwan na silang naghahanda at kabilang sa paghahanda ang paggamit ng teknolohiya mula ibang bansa.

Nangako naman ang DITO Company na gagawing simple at tinawag na "painless" ang proseso para makapagparehistro ang kanilang subscribers.

Nagpayo ang mga kompanya sa publiko na abangan ang anunsiyo ng magiging proseso sa kani-kanilang social media pages.

Nababahala naman si Sen. Grace Poe dahil sa aniya'y hindi malinaw na verification process para mapatunayan kung totoong impormasyon ang ibinigay ng SIM owner.

Pero sinabi ng mga telco na international standards ang kanilang basehan sa pagpaparehistro at pagbeberipika ng impormasyon.

— May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
SIM card
SIM card registration
process
SIM Registration Act
National Telecommunications Commission
telcos
Globe
Smart
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT