Negosyanteng artista: Liza at Karla, ipinasilip ang kabuhayan

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 06:02 AM | Updated as of Dec 14 2017 03:36 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Abala sina Liza Soberano at Karla Estrada sa kani-kaniyang mga negosyo na may kinalaman sa kalusugan at pagpapaganda.

Nitong Martes, idinaos ang pagbubukas ng salon ni Karla na Queen Mother Salon sa Quezon City.

Todo suporta kay Karla anak nitong si Daniel Padilla at katambal na si Kathryn Bernardo, na kapuwa dumalo sa opening ng salon.

Nais umano ni Karla na mahikayat sina Daniel at Kathryn na magkaroon pa ng mas maraming negosyo.

Sa katunayan, plano umano nina Daniel at Kathryn na magkaroon ng business partnership sa susunod na taon.

Samantala, noong Linggo naman inilunsad ni Liza ang Hope Hand and Foot Wellness Center sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Liza, kinukuha niya ang mga produktong ginagamit sa kaniyang wellness center, gaya ng coconut oil, mula sa ibang lokal na negosyante upang makatulong.

Kuwento ni Liza, ang kaniyang tiyahin ang nanghikayat sa kaniyang pumasok sa negosyong wellness. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.