Ika-3 sunod na bawas-presyo sa petrolyo kasado na sa Disyembre 6 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ika-3 sunod na bawas-presyo sa petrolyo kasado na sa Disyembre 6

Ika-3 sunod na bawas-presyo sa petrolyo kasado na sa Disyembre 6

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 05, 2022 05:38 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Kasado na sa Martes, Disyembre 6, ang ikatlong sunod na linggong may bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis narito ang halaga ng ipatutupad nilang tapyas:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P1.95/L
DIESEL -P1.90/L
KEROSENE -P1.65/L

Shell, Seaoil, Petron, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.95/L
DIESEL -P1.90/L
KEROSENE -P1.65/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, PTT Philippines, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P1.95/L
DIESEL -P1.90/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P1.95/L
DIESEL -P1.90/L

Muling nag-rollback ang presyo ng imported na petrolyo dahil sa paghina ng demand sa China, bunsod ng ipinatutupad na lockdown dahil sa COVID-19.

Hindi naman umano matiyak ng Department of Energy kung magtutuloy-tuloy pa ang rollback sa mga susunsod na linggo.

Ngayong linggo naman malalaman ang reaksiyon ng international market sa meeting ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus at price cap sa Russian oil.

"Malamang magkaroon ulit ng another production cut. 'Yon po ang dahilan na may posibilidad na tumaas [ang presyo ng petrolyo]," ani Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Kuryente

Sumugod naman sa headquarters ng San Miguel Corp. (SMC) ang iba-ibang grupo para kondenahin ang pagkalas ng SMC sa kontrata sa Meralco matapos makakuha ng temporary restraining order sa Court of Appeals.

Nag-alok ang SMC sa Meralco na puwede nitong gamitin ang kuryente galing sa Ilijan plant sa presyong P1 kada kilowatt hour lang pero sagot ng Meralco ang fuel.

Pero ayon sa Meralco, kailangan pa ito ng approval ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), at sakalaing maaprubahan ay hindi ura-uradang magagawa.

Kung si ERC Chairperson Monalisa Dimalanta ang tatanungin, kailangan may clearance sa DOE at ERC, lalo na kung may kinalaman sa rates na ipapasa sa konsumer.

Muli namang nagdeklara ngayong Lunes ng yellow alert sa Luzon grid ang National Grid Corporation of the Philippines mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Numipis umano ang reserbang kuryente dahil biglang pumalya ang 7 planta na nagtapyas ng higit 2,000 megawatts ng kuryente sa Luzon grid.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.