PatrolPH

Presyo ng LPG bumaba sa unang araw ng Disyembre

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2021 11:30 AM

Bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ang sumalubong sa unang araw ng Disyembre ngayong Miyerkoles.

Ayon sa Petron, P4.75 ang ini-rollback ng kada kilo ng kanilang LPG o higit P40 kada regular na tangke habang P2.66 naman ang bawas sa kada litro ng Auto-LPG.

Nasa P4.37 naman ang bawas-presyo sa kada kilo ng LPG ng Solane.

Ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng pagmura ng international contract price ng LPG ngayong Disyembre.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.