Fuel subsidy para sa jeepney drivers inilunsad | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Fuel subsidy para sa jeepney drivers inilunsad

Fuel subsidy para sa jeepney drivers inilunsad

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 24, 2021 07:26 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Sinimulang ipamahagi ngayong Miyerkoles ang fuel subsidy para sa mga jeepney driver na dumadaing dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kamakailan.

Sa ilalim ng panibagong fuel subsidy program ng pamahalaan, 136,000 unit ng public utility jeepney ang makakatanggap ng tig-P7,200.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 73,000 sa mga benepisyaryo ang nakatanggap na ng halaga sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program card.

Binigyang diin din ng LTFRB na maaari lang magamit ang subsidiya sa mga sumusunod na gasolinahan: Petron, Shell, Seaoil, Total, Ketti Petroleum, Rephil, Caltex, Petro Gazz at Unioil.

ADVERTISEMENT

Hindi umano maaaring i-withdraw ang halaga para sa ibang bagay bukod sa pagpapagasolina.

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang LTFRB sa ideyang magkaroon din ng mga assistance program para sa mga tsuper ng ibang pampublikong sasakyan.

Pero sa pag-iikot ng ABS-CBN News, wala pang abisong natatanggap ang mga gasolinahan ukol sa fuel subsidy.

Wala pa ring namo-monitor ang transport group na Piston na miyembro nilang nakatanggap ng ayuda.

Para kay Piston National President Mody Floranda, masyadong maliit ang bilang ng mga benepisyaryo.

ADVERTISEMENT

Para kay Floranda, dapat ibaba ang presyo ng produktong petrolyo sa pamamagitan ng pag-alis sa value-added tax at excise tax na ipinataw dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Muling namahagi ang pamahalaan ang fuel subsidy matapos magkaroon ng 10 sunod-sunod na linggong oil price hike.

Dahil sa serye ng oil price hike, naghain din ng petisyon ang mga transport group na itaas sa P12 ang kasalukuyang P9 minimum na pasahe sa mga jeep.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.