Hirit na dagdag-singil ng Maynilad, Manila Water aprubado na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hirit na dagdag-singil ng Maynilad, Manila Water aprubado na

ABS-CBN News
Published Nov 17, 2022 01:15 PM PHT
|
Updated Nov 17, 2022 10:05 PM PHT

(UPDATE) Inanunsiyo ngayong Huwebes ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na inaprubahan na ng board nito ang hirit na dagdag-singil ng Maynilad at Manila Water.

Dahil 4 na taong hindi naka-adjust, P8.04 kada cubic meter ang dagdag-singil ng Manila Water habang P3.29 kada cubic meter naman sa Maynilad simula Enero.

Iba pa ito sa dagdag-singil sa 2024 hanggang 2027.

"All of the expenses ng Maynilad at Manila Water ay tumataas at hindi po sila nagkaroon ng tariff adjustment since 2018," ani MWSS Chief Regulator Patrick Ty.

"Ang ginawa na lang ng board ini-spread out ang tariff adjustment into 5 years para 'di mabigat sa mga consumer," aniya.

Ayon kay Ty, may basehan naman ang dagdag-singil para manatili ang supply at mapaganda ang serbisyo.

"Dapat ayusin ng Maynilad ang kanilang serbisyo especially kasi conditional ang tariff adjustment. 'Di nila makukuha [ang] next tranches 'pag 'di naayos ang serbisyo," paliwanag niya.

"'Yong Manila Water, required sila na 'di mangyari ang 2019 kaya po importante na mag-develop sila ng water sources," dagdag niya.

Pero pinarerepaso ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang desisyon.

"Nare-realize niyo ba na ang taas ng inflation ngayon sa mga pagkain at iba pang mga serbisyo? At ito, dadagdagan niyo pa. Sobrang magpapahirap sa ating mga mamamayan, kaya hinihiling natin na i-review itong pagpayag ng MWSS," ani Castro.

Bago dinesisyunan ng board, nagsagawa ng public consultation ang MWSS-Regulatory Office para ipresenta ang mga proyekto at plano ng 2 concessionaire kapalit ng dagdag-singil sa tubig sa susunod na 5 taon.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT