Presyo ng gasolina, kerosene may bawas sa Nobyembre 16 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng gasolina, kerosene may bawas sa Nobyembre 16

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2021 12:31 PM PHT
|
Updated Nov 15, 2021 07:23 PM PHT

(UPDATE) Magkakaroon ng pagbaba sa presyo ng gasolina at kerosene sa Martes, Nobyembre 16, sabi ng mga oil company.

Wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagkaroon ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo kasunod ng 10 magkakasunod na linggong oil price hike.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang kanilang magiging price adjustments:
Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang kanilang magiging price adjustments:
ADVERTISEMENT
Caltex (Alas-12 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.90/L
KEROSENE -P0.10/L
Caltex (Alas-12 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.90/L
KEROSENE -P0.10/L
Shell, Seaoil, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
KEROSENE -P0.10/L
Shell, Seaoil, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
KEROSENE -P0.10/L
PetroGazz, PTT Philippines, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
PetroGazz, PTT Philippines, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P0.90/L
FUEL SUBSIDY
Samantala, pinamamadali naman ng mga transport group sa pamahalaan ang pamamahagi ng fuel subsidy.

Ang fuel subsidy ang tugon ng pamahalaan matapos maghain ang mga transport group ng petisyon para itaas ang minimum na pasahe sa mga jeep sa P12 mula P9 dahil sa serye ng mga oil price hike.

Umapela si Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap) President Ricardo Boy Rebaño sa pamahalaan na ibigay na ang subsidiya, lalo't may pondo nang nakalaan para rito sa Land Bank of the Philippines.

Pinirmahan kamakailan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kasunduan sa Land Bank at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapatupad ng fuel subsidy.

Sa ilalim ng programa, higit 136,000 jeepney driver ang inaasahang mabibigyan ng subsidiyang maglalaro sa lagpas P7,000 kada jeepney unit.

Pinaplantsa pa umano ng LTFRB ang guidelines sa pamamahagi ng subsidiya at listahan ng mga benepisyaryo.

Isinusulong din ng transport groups ang pansamantalang suspensiyon ng excise tax na magtatapyas ng P6 hanggang P10 sa presyo ng diesel at gasolina.

Pero kinontra ito ng Department of Finance dahil higit P100 bilyon umano ang mawawala sa gobyerno na kailangan sa pagbangon ng ekonomiya.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT