Singil sa kuryente tataas ngayong Nobyembre: Meralco | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Business

Singil sa kuryente tataas ngayong Nobyembre: Meralco

Singil sa kuryente tataas ngayong Nobyembre: Meralco

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2022 04:44 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Inanunsyo ng Meralco ang pagtaas ng singil ng kuryente ngayong Nobyembre.

Sa darating na billing statement, tinatayang tataas ng P0.084/kwh ang singil, ayon sa Meralco.

Ang mga kumukunsumo ng 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag singil na P16.80 sa November bill.

Kunsumo Dagdag-Singil
200kwh P16.80
300kwh P25.20
400kwh P33.60
500kwh P42.00

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng power distributor, tumaas ang generation charge o presyo ng supply ng kuryente.

Ang problema, matatapos na sa Disyembre ang isa sa 4 na refund na ibinabawas sa bill ng consumers na maaaring magpataas sa bayarin.

Mawawala naman sa Enero at Pebrero ang 2 pang refund.

PAGNANAKAW NG KABLE

Samantala, naaalarma na rin ang Meralco sa pagdami ng insidente ng pagnanakaw ng kable ng kuryente sa pamamagitan ng paglalagare nito.

Mula 2020, mahigit 450 insidente ng pagnanakaw ang naitala, at karamihan ay mula Metro Manila.

"Ninanakaw sya kasi nabebenta kasi yung cable, yung bakal sa loob binibenta nila sa junkshops na bumibili nung component ng power cable sa loob, kumbaga di yung cable mismo pero yung nasa loob na copper o aluminum," ani Meralco operation services management head Engr. Efren Olpindo.

Babala ng Meralco, perwisyo ang dulot nito sa komunidad dahil maba-brownout at madi-disgrasya ang magnanakaw.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.