Singil sa kuryente namumurong tumaas ngayong Nobyembre: Meralco | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Singil sa kuryente namumurong tumaas ngayong Nobyembre: Meralco

ABS-CBN News
Published Nov 08, 2022 04:12 PM PHT
|
Updated Nov 08, 2022 06:52 PM PHT

Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente sa paparating na November bill, sabi ngayong Martes ng Manila Electric Company (Meralco).

"Posibleng pataas pero hindi masyado ang adjustment na pataas. Na-mitigate ang impact sa spot market pero 'yong fuel cost na mataas pa rin at mahina peso will be the main determinants," sabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Gayunman, dapat ding paghandaan ng mga konsumer ang dagdag-singil sa mga susunod na taon dahil naging pinal na ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa mas mataas na generation charge noon pang 2013.

Nasa lagpas P3 kada kilowatt hour ang estimated na dagdag-singil noong panahong iyon dahil sabay-sabay pumalya ang maraming planta sa maintenance shutdown ng Malampaya facility.

Dahil dito, sumirit ang presyo ng kuryente sa spot market pero hindi naipasa noon sa mga konsumer dahil ipinatigil ng korte.

Tiniyak naman ng Meralco na hindi ura-uradang ipatutupad ang dagdag-singil.

"Definitely hindi 'yan mare-reflect ngayong buwan kasi any adjustment in our rates has to be approved by the regulator," ani Zaldarriaga.

"Kaya eventually magkakaroon ng guidance sa amin ang regulator kung paano ito i-implement," dagdag niya.

Kinumpirma ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may mga hakbang para mabawasan ang dagok sa mga konsumer.

"Even Meralco is saying they will propose that it be staggered and we will be very much open to that staggered mode of collection if collection is needed," ani ERC Chairperson Monalisa Dimalanta.

Samantala, pinagmumulta ng ERC ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng higit P5 milyon dahil sa kabiguang mangontrata ng reserbang kuryente.

Nagbanta rin ang ERC na puwedeng makansela ang permit ng NGCP pati na ang prangkisa ng kompanya kung patuloy na lalabag sa patakaran ng gobyerno.

Wala pang inilalabas na pahayag ang NGCP kaugnay sa isyu.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT