Inspeksiyon ng Department of Trade and Industry sa presyo ng Noche Buena products sa isang supermarket noong 2019. Mark Demayo, ABS-CBN News
MAYNILA - Napakiusapan ng Department of Trade and Industry ang ilang manufacturer ng Noche Buena products na huwag munang magtaas-presyo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Nakumbinse ng DTI ang mga manufacturer ng pasta, macaroni, mayonnaise, cream, at iba pang Noche Buena products na ipako na ang presyo.
May isa pang brand ng hamon at isang brand ng fruit cocktail na gusto pa ring magtaas-presyo. Pero patuloy itong pakikiusapan ng DTI bago ilathala ang SRP sa susunod na linggo.
"Ang daming nawalan ng trabaho during the pandemic, ang daming nagre-recover pa so sana makatulong doon sa consumers," ani DTI Undersecretary Ruth Castelo.
Nagpaalala rin ang DTI na posibleng mabawasan din ng customer ang mga produktong magdadagdag ng presyo.

"Siyempre maku-compare ng consumers na pag nag-iba na ang presyo or bigla nang tumaas, di rin sila mabibili dahil ang consumer mas pipili ngayon ng mas murang produkto dahil gusto ring magtipid," ani Castelo.
Isasabay na rin nila ang paglathala ng SRP para sa Noche Buena products sa paglathala ng bagong SRP ng ilang pangunahing bilihin na pinayagang magtaas-presyo dahil noong 2019 pa sila humihiling ng price adjustment.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Noche Buena, Noche Buena products, TV Patrol, consumer, konsyumer, DTI, Department of Trade and Industry, Noche Buena products SRP 2020, pasta, macaroni, mayonnaise, hamon, fruit cocktail