Israel naghahanap ng 1,000 Pinoy hotel housekeeper | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Israel naghahanap ng 1,000 Pinoy hotel housekeeper

Israel naghahanap ng 1,000 Pinoy hotel housekeeper

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 05, 2019 12:27 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

(UPDATE) Mayroong job order para sa 1,000 hotel housekeeper positions sa bansang Israel, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Government to government ang sistema ng aplikasyon, na nangangahulugang sa POEA lang maaaring magparehistro ang mga interesadong aplikante at walang agency, ayon kay POEA Administrator Bernardo Olalia.

Simple lang ang proseso at hindi nangangailangan ng language training, dagdag ni Olalia.

Nasa P75,000 ang katumbas na sahod.

ADVERTISEMENT

Dapat ay 25 anyos pataas ang aplikante at may NC2 certificate sa housekeeping mula sa Technical Education and Skills Development Authority.

Kailangan ding ito umano ang unang beses na magtatrabaho ang manggagawa sa Israel at walang kamag-anak doon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa hiwalay na panayam sa DZMM, sinabi ni Olalia na hanggang Nobyembre 8, Biyernes, ang pagpasa ng requirements.

"Kasi ang [unang deadline] hanggang October 31. Pero para mabigyan ng pagkakataon [ang ibang aplikante] in-extend natin hanggang November 8," ani Olalia sa programang "Failon Ngayon."

Nilinaw din ni Olalia na dapat idaan sa website na eservices.poea.gov.ph ang pag-apply sa mga trabaho sa Israel.

Target ni Olalia na makapagpadala ng unang batch ng mga manggagawa bago matapos ang 2019.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.