Kailangan ng emergency loan dahil sa bagyo? Narito ang ilang tips bago umutang | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kailangan ng emergency loan dahil sa bagyo? Narito ang ilang tips bago umutang

Kailangan ng emergency loan dahil sa bagyo? Narito ang ilang tips bago umutang

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbalik ang ilang residente ng Tierra Verde subdivision nitong Nob. 2 para linisin ang kanilang mga bahay na binaha sa pagtama ng bagyong Rolly. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Maraming kabahayan, pananim at kabuhayan ang sinira ng ‘super bagyong’ si Rolly. Ngayong nakalabas na ito ng bansa, saan nga ba puwede pumunta o kanino puwedeng lumapit para makautang at makapagsimula muli?

Marami ang pwedeng pagpilian ng mahihiraman ng pera, ayon kay financial adviser Aneth Ng-Lim. Pero bago umutang, payo ni Lim, timbangin muna nang mabuti kung ano ang pinakamadaling bayaran para hindi ito pagsisihan sa huli.

1. Salary loan

Maraming employer ang nagbibigay ng salary loan sa kanilang mga empleyado. Madalas, mas mababa ang interes dito kaysa credit card o bangko.

Mas madali rin dapat ang application at pagbabayad ng salary loan dahil ang human resources department ng opisina ang nagpapatupad nito, at inaawas na lang sa sweldo ang bayad.

ADVERTISEMENT


2. GSIS, SSS, Pag-IBIG loan

Karapatan ng isang miyembro na humiram ng pera sa mga institustyong ito bilang monthly contributor nila. Pero mas mainam na i-check muna ang interes at payment terms at ikumpara sa salary loan ng inyong employer. Posible rin na parehong kuhanan ang salary loan at SSS/GSIS/Pag-IBIG loan. Ingat lang dahil baka sa sobrang laki ng hiniram ay wala nang matira sa buwanang sweldo mo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

3. Mga kaibigan at kamag-anak

Kung may mga kaibigan at kamag-anak na mas maayos ang kabuhayan at kasalukuyang kinatatayuan sa buhay, pwede rin subukan na humiram ng pera sa kanila. Pero gawin lang ito kung talagang gipit na, payo ni Lim.

Maghanda ng maayos na paliwanag kung bakit kailangan mangutang. Magbigay at mag-alok din ng interest rate at payment schedule. Maigi kung ilalagay ang terms of payment sa isang kasulatan, at kung makakapagbigay ng post-dated checks.

Pero kung hindi ka nila pahiramin ng pera, baka pwede pa rin silang makatulong sa iyo sa ibang paraan. May alahas ka ba o kagamitan na pwedeng isanla? Baka mas maganda ang presyong ibigay sa yo ng mga kamag-anak at kaibigan kaysa sa pawnshop. Pwede n’yo rin pag-usapan ang pagtubos ng sanla kapag nakaluwag ka na.

4. Bangko at credit card

Pwede rin kumuha ng personal loan sa bangko na di na kailangan ng collateral o guarantor. Pwede ring kumuha ng cash loan mula sa credit card companies, na pwede mong i-withdraw sa iyong credit limit. Iba pa ito sa cash advance facility ng credit card. Mag-ingat sa cash advance dahil mataas ang interes nito at iba ang computation ng interes.

Ang maganda lang sa bank o cash advance loan ay alam mo kung magkano ang kailangan mong bayaran kada buwan.

Pero dapat rin isipin kung ano mangyayari kung di ka nakabayad. Magbabago ba ang interes? May penalties ba? Basahing maigi ang "fine print" ng loan document bago kumuha ng mga ganitong klase ng loan.

5. Online credit at loan apps

Mag-ingat sa mga loan app at online credit dahil madalas ay mataas ang interes ng loan dito. Marami rin sa kanila ang humihingi ng “privacy waivers” at access sa social media account mo. Kapag di ka nakabayad, posibleng hihiyain ka online.

Bago manghiram ng pera, pag-aralang mabuti ang iyong options, para di ka mahirapan sa pagbabayad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.