Takbo ng MRT-3 pabibilisin sa 50 kilometro kada oras simula Nov. 3 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Business

Takbo ng MRT-3 pabibilisin sa 50 kilometro kada oras simula Nov. 3

Takbo ng MRT-3 pabibilisin sa 50 kilometro kada oras simula Nov. 3

Jacque Manabat,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 29, 2020 06:54 PM PHT

Clipboard

Sinubukan ng pamunuan ng MRT na bilisan ang takbo ng tren sa 50 kilometro kada oras (kph) mula sa 40 kph. Jacque Manabat, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagsagawa ng test run ang MRT-3 ng kanilang mga tren bago isara ang operasyon ng riles mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 para sa maintenance operations.

Ito ay para magbigay daan sa planong pabilisin ang takbo ng tren sa 50 kilometro kada oras mula sa 40kph oras na magbalik-operasyon ang tren sa Nobyembre 3.

Sa pagpapabilis ng takbo ng tren, inaasahang magiging 1 oras at 5 minuto na ang biyahe, mula sa dating 1 oras at 10 minuto at iikli ang pila papasok ng istasyon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Kaya nga may mga simulation bago i-implement para macheck natin kung may techincal issues pa so far wala kami nakukuha… Kaya di namin kami bibiglain na pagdating sa November 3 na 50 kaagad… Kailangan yung driver mo makapag-adjust din sa speed," ani Mike Capati, MRT-3 Director for Operations.

ADVERTISEMENT

Mababawasan na rin anila ang sira sa tren dahil maayos na ang tatakbuhan nito; at kapag maayos na ang riles, mababawasan na rin ang aberya sa biyahe kahit pa pabilisin ang takbo ng tren.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasa 70,000 na raw ang dami ng mga sumasakay sa MRT-3 kada araw mula sa dating higit 300,000 bago pa magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Huling bumiyahe ng 60 kilometro kada oras ang tren noong Setyembre 2014 nang sumadsad ang isang tren nito sa MRT-3 Taft Station.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.