Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
(UPDATE) Magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, 24 Oktubre, ayon sa ilang kompanya ng langis.
Base sa abiso ng mga kompanya, narito ang halaga ng ipatutupad nilang bawas-presyo:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.35/L
DIESEL -P1.10/L
KEROSENE -P0.45/L
Cleanfuel (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P0.35/L
DIESEL -P1.10/L
Shell, Seaoil, Flying V (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.35/L
DIESEL -P1.10/L
KEROSENE -P0.45/L
Petro Gazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Unioil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P0.35/L
DIESEL -P1.10/L
Ayon sa Department of Energy, hindi sinasadyang mas maliit ang rollback kaysa sa mga nagdaang oil price hike
Ang galaw kasi sa presyo ng petrolyo sa Pilipinas ay nakabase umano sa tinatawag na Mean of Platts Singapore (MOPS), hindi sa Dubai o Brent crude kundi sa finished products o buo nang gasolina, diesel at kerosene.
Ibinabangga ang average prices sa MOPS noong nakaraang linggo sa presyo ng nakalipas na 2 linggo at nire-reflect kada Martes ng kasalukuyang linggo.
"Wala pong makakamanipula sa presyuhan sa international market... trading po 'yan, daily trading so nakikita ng lahat, parang spot market," paliwanag ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.