Ika-9 sunod na oil price hike asahan bago matapos ang Oktubre | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ika-9 sunod na oil price hike asahan bago matapos ang Oktubre

ABS-CBN News
Published Oct 22, 2021 08:22 PM PHT
|
Updated Oct 22, 2021 11:25 PM PHT

MAYNILA - May namumuro muling dagdag-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo pero hindi na kasinglaki ng pagtaas nitong linggo, ayon sa mga taga-industriya.

Batay sa unang apat na trading sa international market, tumaas ng P0.99 kada litro ang gasolina, tumaas naman nang P0.39 kada litro sa diesel at P0.52 kada litro sa kerosene.

Dumaing naman dito ang mga tsuper na sina Sonny Raterta at Antonio Mendoza.

"Wala na ngang makikita napupunta na lang sa gasolina, wala pang pasahero," ani Raterta.

ADVERTISEMENT
"Di na kami maghahanapbuhay, garahe na lang. Di na kami kikita e, operator lang kikita," ani Mendoza.

Humirit na ang ilang senador gaya nina Sen. Imee Marcos at Sen. Grace Poe na isuspinde ang excise tax.

Mahigit P10 agad ang matatapyas sa presyo ng gasolina kung walang excise tax at VAT.

Lagpas P6 naman ang matatapyas sa diesel at kerosene.

Kung ang Laban Konsyumer ang tatanungin, puwedeng gamitin ang deklarasyon ng kalamidad ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19 pandemic para ipatigil muna ang paniningil ng excise tax at VAT.

"May extraordinary power ang Presidente e, inutusan niya to monitor and control basic commodities and prime commodities, kasama na diyan ang produktong petrolyo," ani Laban Konsyumer President Victor Dimagiba.

Pero kinontra ito ng Department of Finance na nagsabing P131 bilyon ang mawawala kung sinuspinde ang excise tax sa petrolyo.

Bukod sa diskuwento ng ilang gasolinahan, wala pang aktuwal na tulong sa mga jeepney group na humihirit ng P3 dagdag-pasahe dahil sa walang humpay na dagdag-presyo sa petrolyo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT