Metro Manila malls may mga bagong patakaran, naghahanda sa mall-wide sales | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Metro Manila malls may mga bagong patakaran, naghahanda sa mall-wide sales

Metro Manila malls may mga bagong patakaran, naghahanda sa mall-wide sales

ABS-CBN News

Clipboard

Nililinis ng sanitation team ang handrails ng escalator ng isang mall sa Quezon City noong Mayo 2020. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Nagsimula nang magpatupad ng mga bagong patakaran ang mga mall sa Metro Manila, na inaasahang makatutulong para makahikayat ng mas maraming mamimili ngayong papalapit na ang Pasko.

Sa Trinoma sa Quezon City, pinagana na ang free WiFi, mas malamig na ang aircon, at pinapayagan na rin ang mga senior citizen hanggang 65 anyos.

"All these changes will help our traffic increase, even the sales," ani Trinoma President AC Legarda.

Bago rin ang patakarang puwede nang magsukat ng mga damit sa Trinoma, kaya natuwa ang mga mamimili tulad ni JR Asperga.

ADVERTISEMENT

"Kasi para kapag hindi kasya, hindi na tayo pabalik-balik sa mall," ani Asperga.

Sa SM North Edsa, puwede na ring magsukat ng damit, bagay na ikinatuwa ng senior citizen na si Susan Moreno.

Naabala dati si Moreno dahil lahat ng binili niyang damit ay hindi pala kasya nang isukat niya sa bahay.

"Maganda po para 'di na maabala," aniya.

Sa mga kakain, puwede na ring uminom ng alak sa mga mall.

"Alcoholic beverages actually can be consumed already in our restaurants from the start of mall hours until the closing," ani Jocelyn Clarino, head ng SM North Edsa.

Sa Robinsons Magnolia naman, sinimulan na ang mga bagong patakaran habang "feel na feel" ang diwa ng Pasko dahil sa higanteng Christmas tree at masasayang Christmas carols.

"Mafi-feel mo talaga na Pasko na," ani Vitoria Chua, group marketing manager ng Robinsons Magnolia.

Iginiit din ng mga mall operator na handa na sila sa mall-wide sales ngayong inanunsiyo ng gobyerno na pinapayagan na ito.

"We are still just waiting for the approval of our mall-wide sale but right now, we have so many brands that are already on sale," ani Chua.

"As soon as we get the approval to implement a mall-wide sale, we will be ready," sabi naman ni Legarda.

"'Pag magkaroon tayo ng mall-wide sale, kaya naman natin," ani Clarino.

Sakaling dumagsa ang mga tao, may diskarte umano ang mall operators para mapanatili ang social distancing. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.