PatrolPH

Diesel may dagdag presyo na P2.70 kada litro sa Oktubre 18

ABS-CBN News

Posted at Oct 17 2022 12:56 PM | Updated as of Oct 17 2022 08:11 PM

Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City noong Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA (UPDATE) — Sa ikalawang sunod na linggo, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipatutupad nilang taas-presyo sa Martes, Oktubre 18:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.80/L
DIESEL +P2.70/L
KEROSENE +P2.90/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.80/L
DIESEL +P2.70/L
KEROSENE +P2.90/L

PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.80/L
DIESEL +P2.70/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.80/L
DIESEL +P2.70/L

Watch more News on iWantTFC

Ayon sa Department of Energy (DOE), tumaas ang presyuhan dahil sa pagbabawas sa produksiyon ng langis ng OPEC Plus at pagpaparami ng imbentaryo ng langis ng United States.

Dahil sa dagdag-presyo sa Martes, wiped out na ang naipong rollback sa presyo ng petrolyo noong mga nakaraang linggo.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.