Singil sa kuryente, tataas ngayong Oktubre

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2017 08:37 PM

Madadagdagan ng P0.03 kada kilowatt hour (kWh) ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Oktubre.

Makakaasa ang mga kumokonsumo ng 200kWh kada buwan ng P6.00 na dagdag singil. 

Nasa P9.00 naman ang itataas ng kumokonsumo ng 300kWh, P12.00 sa 400kWh, at P15 sa 500kWh kada buwan.

Mas mataas na power generation ang itinuturong dahilan ng dagdag-singil sa kuryente.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.