Maynilad, Manila Water walang dagdag-singil hanggang dulo ng 2022: MWSS | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maynilad, Manila Water walang dagdag-singil hanggang dulo ng 2022: MWSS

Maynilad, Manila Water walang dagdag-singil hanggang dulo ng 2022: MWSS

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2021 06:57 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Walang dagdag-singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water hanggang dulo ng 2022 dahil sa bagong kasunduan ng mga concessionaire sa gobyerno, sabi ngayong Huwebes ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Batay kasi sa kasunduan, ituturing nang public utility ang Maynilad at Manila Water, na nangangahulugang hanggang 12 porsiyento lang ang puwede nilang taunang kita.

Bawal na ring ipasa sa mga konsumer ang kanilang corporate income tax, Foreign Currency Differential Adjustment at limitado na lang din ang ipapasang inflation rate.

"This agreement is very good for our consumers. Straightforward lang siya, ano ang babayaran. Dati kasi lahat ng ginastos, lahat paid by consumers," sabi ni MWSS Administrator Bobby Cleofas.

ADVERTISEMENT

Sakaling may mga gusot o hindi pagkakasundo, sa local na lang ito ireresolba at hindi na idadaan sa international tribunal.

May limit na rin ang porsiyento na puwedeng itaas sa water rates kada 5 taon simula 2023.

"Ang water tariff increase is only up to 30 percent moving forward," ani Cleofas.

Pero iginiit ng grupong Laban Konsyumer na dapat igaya ang mekanismo ng rate adjustment sa kuryente, na dadaan sa hearing ang ano mang hirit na dagdag-singil.

"Dapat mabusisi ng consumer ang hirit na dagdag-singil para malaman natin kung justified 'yan," ani Laban Konsyumer President Vic Dimagiba.

Iiral ang bagong kasunduan simula Nobyembre 18 at tatagal nang 15 taon o hanggang 2037.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.