PatrolPH

Maynilad customers may bawas-singil sa Oktubre: MWSS

April Rafales, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2021 04:06 PM | Updated as of Oct 05 2021 04:07 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng bawas sa singil sa tubig ang mga kostumer ng Maynilad sa Oktubre, sabi ngayong Martes ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay MWSS Regulatory Officer Patrick Ty, ito'y dahil sa inaprubahang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) sa Maynilad.

Ang FCDA ay epekto ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Nasa P0.18 ang kaltas para sa mga may konsumong hanggang 10 cubic meters, P0.69 naman sa konsumong 20 cubic meters, at P1.40 sa konsumong 30 cubic meters.

Ayon pa kay Ty, bahagi ng Revised Concession Agreement na wala munang dagdag-singil sa tubig hanggang Enero 2023.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.