Nagbabadya: Bawas-singil sa kuryente; taas-presyo sa tubig, langis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nagbabadya: Bawas-singil sa kuryente; taas-presyo sa tubig, langis

ABS-CBN News
Published Oct 04, 2018 05:33 PM PHT
|
Updated Oct 04, 2018 08:32 PM PHT

Inaasahang bababa ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Oktubre, sabi nitong Huwebes ng tagapagsalita ng power distributor.

"We are happy to report na malaki iyong posibilidad na muli pong bababa 'yong presyo ng kuryente," ani Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Ayon kay Zaldarriaga, kahit humina ang piso at nagmahal ang petrolyo, walang dagdag-singil sa October bill dahil sa maayos na suplay ng kuryente mula sa mga planta.

"Ang tinitingnan namin dito is 'yong mas malaking dispatch ng mga planta. Ibig sabihin, mas malaki iyong naibigay nilang supply dito sa aming franchise area," aniya.

Magugunitang noong Setyembre ay nagkaroon din ng tapyas sa singil sa kuryente dahil sa pagmura umano ng bentahan ng kuryente sa spot market.

TUBIG, MAY DAGDAG-SINGIL
Pero kung posibleng bumaba ang singil sa kuryente sa Oktubre, nakatakda namang tumaas ang singil sa tubig dahil sa mga inaprubahang rate adjustment ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Nasa P0.90 kada cubic meter ang dagdag-singil na ipapataw ng Maynilad simula Oktubre 1 habang P1.46 kada cubic meter naman sa Manila Water simula Oktubre 16.

Sinugod naman ng mga grupong Bayan Muna at Courage ang tanggapan ng MWSS para ihayag ang kanilang pagtutol sa dagdag-singil.

Ayon sa mga grupo, hinayaan lang ng MWSS ang dagdag-singil sa gitna ng sabay-sabay na pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.

"Mas maraming protesta pa ang kakaharapin ng pamahalaan habang tuloy-tuloy nitong pinahihirapan ang lugmok na sa kahirapan na mamamayan," sabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

LANGIS NAGBABADYANG TUMAAS MULI
Samantala, may namumuro na namang taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo, base sa unang tatlong araw ng trading sa pandaigdigang merkado.

Sa unang tatlong araw ng trading, P1.38 na ang iminahal ng kada litro ng imported diesel at P0.86 naman sa imported gasoline.

Maaari pang magbago ang galaw sa presyo ng petrolyo, depende sa trading ngayong Huwebes at sa Biyernes.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT