Presyo ng imported na de-lata, gatas tumaas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng imported na de-lata, gatas tumaas

ABS-CBN News
Published Oct 02, 2022 04:03 PM PHT
|
Updated Oct 02, 2022 07:16 PM PHT

Nakagawian na ni Melody de Guzman na mag-grocery tuwing Linggo pero sa pagkakataong ito, pagdating niya sa istante ng mga de-lata ay nag-pass muna siya sa mga paboritong imported canned meat at sardines.

"Siguro 'pag may budget o bonus saka kami kumukuha ng imported products," ani De Guzman.

Dahil sa pagtaas ng halaga ng dolyar kontra piso, nadagdagan din ang presyo ng ilang canned goods at gatas sa mga grocery.

"'Yong langis tumaas na rin [ang presyo]. Hindi rin natin maiwasan na tataas talaga. Doon naman sa mga local [product], stable naman ang mga de-lata, wala naman tumaas," ani Victor Monteclaro, supervisor sa isang supermarket sa Quezon City.

Sa suggested retial price (SRP) list ng Department of Trade and Industry (DTI), naglalaro sa P13.25 hanggang P19.58 ang presyo ng 155 gramo ng sardinas.

Pero halos triple ang presyo ng imported sardines, na naglalaro sa P75 hanggang P90.

Nagkakahalaga naman P64.75 hanggang P73.30 ang 150 gramo na local powdered milk habang P90 ang imported na gatas.

Price freeze
Samantala, dahil sa Bagyong Karding, nagpatupad ng price freeze ang DTI sa 6 na lugar lubos na napinsala ng bagyo, na nangangahulugang hindi maaaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin.

Kasama rito ang buong Nueva Ecija, Dingalan sa Aurora, San Miguel sa Bulacan, at Macabebe sa Pampanga.

Sa Quezon province, may price freeze sa mga bayan ng General Nakar, Patnanungan, Panukulan, Polillo, Burdeos at Jomalig.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, tatagal nang 2 buwan ang price freeze sa mga nasabing lugar.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Price Patrol
bilihin
grocery
supermarket
canned goods
de lata
milk
imported products
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT