Rollback sa langis muling namumuro sa susunod na linggo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rollback sa langis muling namumuro sa susunod na linggo

Rollback sa langis muling namumuro sa susunod na linggo

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 30, 2022 08:17 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - May namumuro muling bawas-presyo ng diesel, gasolina, at kerosene sa ikalimang sunod na linggo.

Nasa P0.81 kada litro ang aasahang rollback sa diesel, P0.84 sa kerosene, at P1.10 kada litro sa kerosene.

"Masyadong magalaw itong linggo na ito eh nagsimula noong Tuesday na mababa Wednesday nagsimulang tumaas so sa halip na malaki sana ang mararanasang rollback, eh nabawasan sya so hindi natin masasabi talaga kasi less than P1 na lang sa 2 produkto," ani DOE Assistant Director Rodela Romero.

Ayon kay Leo Bellas, pinuno ng Jetti Petroleum, maaaring lumiit pa ang rollback.

ADVERTISEMENT

"Nakikita namin na ang potential trading for today hindi naman lalaki compared yesterday baka nakikita pa nga natin na baka konting baba pa so mapuprotektahan po ang na-compute natin na potential rollback pwedeng lumiit baka lumampas lang ng 50 pero mukhang positive naman na magkakarollback," ani Bellas.

Kung hindi lang sumadsad ang palitan ng piso kontra US dollar, mas malaki pa sana ang inaasahang rollback ng diesel, gasolina, at kerosene, kerosene sa susunod na linggo.

Pati ang bawas-presyo sa LPG ay apektado din dahil sa paghina ng piso.

"Yung P3-P4 kasi supposedly yan ang magiging equivalent but because of the peso dollar conversion, may tama din kasi yan sa total domestic price natin, nasa P1 ang impact nyan kaya to be sure nasa P2-P3 ang rolbak natin tomorrow," ani REGASCO President Arnel Ty.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.