Presyo ng imported na baboy posibleng tumaas sa 2023: grupo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng imported na baboy posibleng tumaas sa 2023: grupo

Presyo ng imported na baboy posibleng tumaas sa 2023: grupo

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 29, 2022 08:40 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Namumurong tumaas ang presyo ng imported na karneng baboy simula Enero 2023, babala ng grupo ng mga importer ng karne.

Paliwanag ng Meat Importers and Traders Association (MITA), mapapaso na kasi sa Disyembre ang Executive Order No. 134 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021 na nagpapababa ng taripa ng imported na karne.

Dahil sa EO, naging 5 hanggang 15 porsiyento lang ang taripa mula sa 30 hanggang 40 na porsiyento.

Sa kanilang liham kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kalihim din ng Department of Agriculture, umaapela silang palawigin ang paniningil ng mas mababang taripa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin.

ADVERTISEMENT

Babala ni MITA President Emeritus Jesus Cham, tataas nang 15 porsiyento ang presyo ng imported na karne ng baboy na maaaring umabot nang hanggang P30.

“Pagdating ng bagong stocks sa Enero, tataas pa ang presyo ng importer. Dagdag po rito ‘yong additional cost sa dollar cost na mataas. Ang mangyayari, kahit sinong negosyante, ipapasa mo sa consumer ‘yang additional cost. ‘Pag hindi na kayang ipasa ang cost, hihinto ‘yong importer so magbabawas ng suplay," ani Cham.

Pero tutol dito ang Pork Producers Federation of the Philippines at nanawagan kay Marcos na pakinggan sila sa pgkakataong ito.

Kung hindi kasi mahabol ng local hog raisers ang mababang presyo ng imported meat, mapipilitan ang ilan na tumigil sa pagbababoy at mapipilay ang suplay sa bansa.

“Kawawa ang farmers, kawawa ang consumers. Dapat tigilan na ‘yan. Hindi na naman babalik ‘yong marami nating tumigil sa pagbababuyan dahil nakikita nila ‘yong prospect ay hindi magiging maganda. Mas hindi ‘yan makabubuti sa ating raisers. Hindi makakabalik ‘yong tamang suplay kung ‘yan pa rin ang gagawin ng ating president," ani ProPork Vice President Nicanor Briones.

Sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin, hindi maiwasang tangkilikin ng mga mamimili kung ano ang mas magaan sa bulsa kaysa sa nakasanayan na.

Ayon sa DA, hindi inaasahang kakapusin ng suplay ng karne ng baboy sa holiday season hanggang sa susunod na taon.

"Ang karneng baboy, inaasahan na mas mataas ang production nito sa katapusan ng taon kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2021.," ani DA Usec. Domingo Panganiban.

Pagdating sa karne ng manok, inaasahan ng DA na magkakaroon ng surplus o sobrang suplay hanggang matapos ang taon.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.