Pinsalang dala ng Karding sa agrikultura sumampa ng P160 milyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinsalang dala ng Karding sa agrikultura sumampa ng P160 milyon

Pinsalang dala ng Karding sa agrikultura sumampa ng P160 milyon

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng baha sa Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija sa aerial inspection ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ika-26 ng Setyembre 2022, o isang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Karding. Kj Rosales, PPA Pool
Kuha ng baha sa Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija sa aerial inspection ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong ika-26 ng Setyembre 2022, o isang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Karding. Kj Rosales, PPA Pool

MAYNILA - Tinatayang nasa P160 milyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

"Ang agriculture natin ang suffered most from this typhoon. P160-million worth of damage to agriculture has been reported by our department concerned and close to 3780 affected farmers and fisherfolk," ani NDRRMC Spokesperson Asec. Raffy Alejandro.

Sa Pangasinan, sinira ng bagyo ang mga palay na aanihin na sana at may halagang P4.1 milyon., sabi ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III.

Karamihan sa mga palay ay hindi na maisasalba kaya nanawagan ng tulong ang mga magsasaka.

ADVERTISEMENT

Bagaman, balik-normal na ang sitwasyon sa probinsiya.

Umakyat na sa walo ang naiulat na namatay sa pananalasa ng bagyong Karding, ayon sa NDRRMC.

Bukod sa limang rescuer na namatay sa flashflood sa Bulacan, may tatlong fatalities na bineberipika ang tanggapan. Dalawa rito ay sa Zambales, at isa naman sa Quezon.

May tatlong mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte ang iniulat namang nawawala.

Aabot sa 16,000 pamilya o 60,000 indibidwal ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.

Sa situational report ng ahensiya, sinabi nitong higit 12,000 pamilya ay nasa mga evacuation center.

Ang ibang pamilya, nakikitira at nakikitulog sa mga kamag-anak o kaibigan.

Mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at Cordillera Administrative Region ang mga inilikas.

Walong kalsada at 16 na tulay sa Region 2 ang hindi pa rin madaanan sa ngayon.

Sa 99 bayan at lungsod na nakaranas ng power interruption, 28 pa lang ang may suplay ng kuryente hanggang alas-3 ng umaga.

May limang lugar naman sa Calabarzon at isa sa Region 1 ang wala pa ring maayos na communication lines.

Inaalam pa ng ahensiya ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.