Presyo ng karneng manok tumaas sa ilang pamilihan sa Metro Manila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyo ng karneng manok tumaas sa ilang pamilihan sa Metro Manila

ABS-CBN News
Published Sep 23, 2022 07:09 PM PHT

MAYNILA - Tumaas nang P10 ang presyo ng kada kilo ng karneng manok sa ilang pamilihan ng Metro Manila.

Sa monitoring ng Department of Agriculture, nasa P190 ang presyo ng manok sa Metro Manila.

Mas mataaas ito kumpara sa P180 kada kilo noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga nagtitinda, tumaas na ang singil ng kanilang supplier at nagkakaproblema pa sa delivery.
Ayon sa mga nagtitinda, tumaas na ang singil ng kanilang supplier at nagkakaproblema pa sa delivery.
ADVERTISEMENT
"Minsan kasi kulang sa supply. Sabi kasi ng kinukuhanan namin, ngayon wala na namang manok, kahapon tatlong bag order. Ang binigay nila isa lang," anang nagtitinda na si Caroline Castillo.

Kapansin-pansin din na mas malaki ang mga manok na dumarating sa palengke. Ayon sa United Broiler Raisers Association, maraming raisers ang hindi agad nag-harvest noong mga nakaraang buwan dahil sa mababang farmgate price.

Humina kasi ang demand ng manok as merkado kaya may mga producer na inimbak muna ang kanilang suplay sa mga cold storage.

"Delayed lang kasi 'yong harvest last month dahil clamped, hindi nakapaglinis, hindi kaagad nakapag-load ng sisiw. Hindi mabili, they have to store, that is an indication of low demand last month," ani UBRA President Atty. Elias Inciong.

Muli ring nanawagan ang raisers ng tulong sa gobyerno para mapababa ang presyo ng feeds sa pamamagitan ng pamimigay ng ayuda.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT