Anti-Agricultural Economic Sabotage bill, isinulong sa Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Anti-Agricultural Economic Sabotage bill, isinulong sa Senado

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 11, 2023 07:10 PM PHT

MAYNILA - Naghain na ng panukalang batas si Sen. Cynthia Villar na naglalayong ipawalang bisa ang umiiral na Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Ito ang nakapaloob sa Senate Bill 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Sa ilalim ng naturang panukala, sinabi ni Villar na magiging mas mabigat na ang parusa sa mga mapatutunayang nasa likod ng agricultural economic sabotage sa bansa.

Dito bubuuin ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na magpapawalang bisa sa R.A. 10845.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Villar na matapos ang 7-taong implementasyon ng Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ay wala namang naparusahang smuggler ng agricultural products.

ADVERTISEMENT
Kapag naging ganap na batas, hindi na lang din ang mga smuggler ng agri-products ang hahabulin ng batas kundi maging mga hoarders, gayundin ang mga nasa likod ng profiteering at cartel.

Tinawag pa ni Villar na isang “failure” ang implementasyon ng Anti-Agricultural Smuggling Act sa kamay ng Bureau of Customs.

“The measure would repeal the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 or Republic Act No. 10845. With no conviction made seven years after the Anti-Agricultural Smuggling Act the, law as “a failure” at the hands of the Bureau of Customs (BOC), which as provided for in SEC. 6. Implementing Rules and Regulations of the existing law was mandated to promulgate the implementing rules and regulations of the existing law within thirty (30) days upon its effectivity. It’s been seven years and there is not a single conviction,” sabi ni Villar.

Ayon pa kay Villar batay sa monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, aabot sa tinatayang P200-billion revenue o kita ang nawawala sa gobyerno dahil sa smuggling.

Patuloy din aniyang nagiging banta sa kabuhayan ng mga magsasaka ang ilegal na pagpasok sa bansa ng mga agricultural products.

“Smuggling is one of the reasons why many of our farmers continue to live in poverty. The illegal entry of agricultural products threatens their livelihood and the welfare of two-thirds of our population who depend on agriculture. Illicit trade exposes consumers to unregulated products often manufactured in unsanitary conditions. Farm commodities being smuggled into the country include sugar, corn, pork, poultry, garlic, onion, carrots, fish, and cruciferous vegetables as per data cited by the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture,” sabi ni Villar.

Inihalimbawa pa ni Villar na sa smuggling pa lang ng tobacco, aabot na sa P24.7-billion ang revenue loss o nawawalang excise tax sa gobyerno.

Tinataya din aniyang 16.7 porsyento o 9.52 billion sticks ng sigarilyo ang iligal na naibenta sa Pilipinas noong 2022. Karamihan sa mga sigarilyong ito ay mula pa sa Cambodia, Vietnam at China na naipasok sa bansa at idinaan sa Sulu at Tawi-Tawi.

Sa ilalim ng panukala - ituturing nang economic sabotage kapag nakakagambala na ito sa ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng artificial shortage, pagsusulong ng sobra-sobrang importasyon, pagmamanipula sa presyuhan at supply at iba pang kahalintulad na aktibidad.

Pamumunuan naman ng pangulo ang bubuuing Anti-Agricultural Economic Sabotage Council at magkakaroon ito ng 15 miyembro.

Bibigyang mandato ang Department of Justice na bumuo ng special team ng mga prosecutors sa buong bansa na titingin sa mga isusumiteng ebidensiya at magsasagawa ng preliminary investigation.

Ituturing na agricultural smuggling ang “mere possession” o presensya ng anomang agri-products na nasa listahan ng Customs at matatagpuan sa mga pier, fish port, airport, warehouse, cold storage facility, vessel at storage area na kontrolado ng BOC.

Pasok sa kategoryang economic sabotage at agricultural smuggling, hoarding, profiteering kapag ang mga agricultural at fishery product ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1,000,000.00 batay sa umiiral na Daily Price Index.

Sa ilalim ng panukala, life imprisonment o habambuhay na pagkabilanggo ang ipapataw na kaparusahan sa isang indibidwal na mapatutunayang guilty at mas mabigat na parusan kung ang sangkot ay opisyal o taong gobyerno.

“If a government officer or employee is the offender of the crime, aids in the commission of the crime, or prevents the filing of the case or its prosecution, or the actual arrest of the suspect, the penalty is also life imprisonment and in addition to his/her perpetual disqualification from holding public office, exercise the right to vote, participate in any public election and forfeiture of his/her employment monetary and financial benefits,” sabi ni Villar.

Hindi na rin papayagan ang sinumang mahahatulang guilty na pumasok pa sa negosyong may kaugnayan sa imporation, transportation, storage at anomang domestic trade ng agricultural products.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT