Mga gasolinahang 'bote-bote,' mapanganib: DOE | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga gasolinahang 'bote-bote,' mapanganib: DOE

ABS-CBN News
Published Sep 10, 2017 03:29 PM PHT
|
Updated Sep 10, 2017 08:10 PM PHT

Bote-boteng bentahan ng petroleum products, lubhang peligroso, ayon sa DOE (📸 @doe_ph) | via @zhandercayabyab pic.twitter.com/sVa4GEfcXr
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) September 10, 2017

MANILA - Nagbabala Linggo ang Department of Energy (DOE) sa peligrong dulot ng "bote-bote" o mga hindi rehistradong liquid fuel refilling stations.

Lantad sa pagsabog at sunog ang mga ilehitimong nagbebenta ng produktong petrolyo, ani Rino Abad, direktor ng Oil Industry Management Bureau sa DOE.

Gumagamit kasi aniya ang mga ito ng hindi awtorisadong lalagyan tulad ng bote ng soft drinks o mineral water, na hindi angkop sa gasolina, diesel at LPG.

Posible rin aniyang magkasakit ang mga trabahador at residenteng nakatira malapit sa mga bote-bote dahil nalalanghap nila ang singaw ng langis.

Dagdag ni Abad, hindi rin nakasisiguro ang konsumer sa kalidad ng produkto at kung tama ang timbang sa binayarang presyo.

Hinimok ng DOE ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga ilegal na refilling stations.

Sa ilalim ng kampanya ng ahensya laban sa ilegal na bentahan ng petroleum products, ipinasara noong nakaraang linggo ang isang planta ng LPG sa Mandaue, Cebu. Nasamsam dito ang P2.7 milyon na halaga ng mga produkto at kagamitan. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News