Presyo ng gulay sa ilang pamilihan bumaba; presyo ng sili umakyat sa P600/kilo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng gulay sa ilang pamilihan bumaba; presyo ng sili umakyat sa P600/kilo

Presyo ng gulay sa ilang pamilihan bumaba; presyo ng sili umakyat sa P600/kilo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Bumaba ang presyo ng gulay sa ilang pamilihan sa Kamaynilaan.

Sa Muñoz Market, nasa P20 hanggang P50 ang ibinaba ng presyo ng repolyo, carrots, at pechay Baguio.

  • Repolyo→ P130 - P150 kada kilo (dati: P180-P200)
  • Carrots→ P160 kada kilo (dati: P150-P200)
  • Pechay Baguio→ P120 - P150 kada kilo (dati: P140-P180)

Bumaba rin ang presyo ng ilang gulay sa Commonwealth Market.

  • Kalabasa→ P40-P50 kada kilo (dati: P50-P60/kilo)
  • Repolyo→ P140 - P160 kada kilo (dati: P200/kilo)
  • Pechay Baguio→ P140 - P160 kada kilo (dati: P200)
  • Sayote→ P100 kada kilo (dati: P80-P100)

Bumaba rin ang presyo ng gulay at karneng baboy sa Galas Market.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng Department of Agriculture, maganda ang suplay ngayong may naaani na mga gulay.

"'Yung time of the year meron tayong naha-harvest ngayon that is very good for our supply especially for Metro Manila," ani DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Dagdag niya: "These are prices that are normal as far as historical data are concerned pagdating po sa ganitong time of the year."

Tumaas naman sa P400 hanggang P600 ang kada kilo ng siling labuyo sa Kamaynilaan - mas mataas sa P180 hanggang P280 noong nakaraang linggo.

Paliwanag ng DA, tumataas talaga ang presyo ng sili pagpasok ng "ber" months.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.