Home > Business Presyo ng baboy, gulay sa Galas Market, bumaba ABS-CBN News Posted at Sep 06 2021 02:00 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Bagsak-presyo ang ibinebentang sariwang karneng baboy sa Galas Public Market sa Quezon City ngayong Lunes. Nasa P250 ang kada kilo ng buto-buto, habang nasa P255 hanggang P270 ang kada kilo ng laman. Nasa P300 naman ang kada kilo ng liempo. Aabot naman sa P150 ang kada kilo ng sariwang manok; habang nasa P120 ang kada kilo ng frozen na manok. Sabi ng isa sa mga tindero, nagbawas sila ng presyo matapos bumaba rin ang kuha nila sa isang supplier. Bagsak presyo rin ang gulay: Sayote→P80/kilo (dating P120/kilo) Ampalaya→P70/kilo (dating P150/kilo) Talong→P40/kilo (dating P70/kilo) Patatas→P50/kilo (dati P70/kilo) Carrots→P100/kilo (dati P200/kilo) Kamatis→P70/kilo (dati P100/kilo) Bawang→ P100-110/kilo (dating P140/kilo) Bell pepper→ P140/kilo (dating P200/kilo) Repolyo at Pechay Baguio →P100-120/kilo (dati P200/kilo) Umaasa ang mga nagtitinda ng baboy na makakatulong ito para dumami ang bumili lalo na kapag tapos na ang MECQ. Metro Manila goes down to GCQ, 10 areas under MECQ on Sept. 8-30 Isda, magandang alternatibo sa karne sa kabila ng pagsipa ng presyo ng bilihin - grupo -- Headline Pilipinas, 6 Setyembre 2021 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog news, Headline Pilipinas, Teleradyo Read More: Galas Market Quezon City Quezon City pork prices pork prices Philippines meat prices Philippines wet market prices wet market