NFA humirit ng dagdag-pondo sa pagbili ng mga palay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
NFA humirit ng dagdag-pondo sa pagbili ng mga palay

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2019 08:58 PM PHT

Humirit ng karagdagang pondo ang National Food Authority (NFA) kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilhin ng ahensiya ang lahat ng palay ng mga lokal na magsasaka.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, hindi sapat ang kanilang taunang pondo para mabili ang lahat ng palay ng mga magsasaka.

Sa pagbili ng mga palay, kakailanganin din umano ng NFA ng karagdagang bodega.

"Kailangan mo ng bodega kung ang instruction ay lahat bibilhin mo," ani Dansal.
"Kailangan mo ng bodega kung ang instruction ay lahat bibilhin mo," ani Dansal.
ADVERTISEMENT
"Bibili kami ng higher than our target and the mandate, kailangan talaga ang pera," dagdag niya.

Nasa P7 bilyon ang ibinibigay ng gobyerno na pondo sa NFA kada taon. Ito ay katumbas ng 9 milyong sako ng bigas o 15 days na buffer stock.

Sa isang pahayag, sinabi ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat na suportado niya ang utos ni Duterte.

Pero kailangan umanong ilatag kung gaano kabilis magagawa ang pagbili at kung saan kukuhanin ang pondo.

Inutusan noong Miyerkoles ni Duterte ang NFA na bilhin ang palay ng mga lokal na magsasaka para maiahon ang mga ito sa pagkalugi dahil sa bagsak-presyong palay.

Sinisisi ng mga magsasaka ang rice tariffication law sa pagsadsad ng presyo ng palay. Bumuhos umano ang inangkat na bigas sa merkado bunsod ng inangkat na bigas, dahilan para bumagsak ang presyo ng palay sa hanggang P7.

Samantala, nasa 3,000 rice mills na ang pansamantalang itinigil ang kanilang mga operasyon mula nang maisabatas ang rice tariffication law, ayon sa Philippine Confederation of Grains Association.

Inaprubahan ni Duterte noong Pebrero ang batas sa rice tariffication, na nagtatanggal ng limitasyon sa pag-angkat ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
palay
bigas
agrikultura
magsasaka
National Food Authority
Magsasaka party-list
rice tariffication law
PhilConGrains
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT