'Subsidiya, di pautang, ang kailangan ng mga magsasaka' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Subsidiya, di pautang, ang kailangan ng mga magsasaka'

'Subsidiya, di pautang, ang kailangan ng mga magsasaka'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagmalaki ng Department of Agriculture (DA) ang ipinagkaloob na pautang sa mga magsasaka bilang ayuda kasunod ng pagbagsak ng presyo ng palay.

Pero iginiit ng mga magsasaka na hindi nila ito ramdam. Ayon din sa kanila: subsidiya, hindi pautang, ang solusyong kailangan nila.

Sa isang press conference, ibinida ng DA at Landbank of the Philippines ang pagpapautang sa mga provincial government ng pondo para bilhin ang palay ng mga magsasaka sa halagang P15 kada kilo.

May mga loan assistance din umanong ayuda para sa mga apektado ng rice tariffication law.

ADVERTISEMENT

"'Tong production loan po is ang interest po nito is 6 percent per annum, up to P15,000 per farmer, no collateral. Mayroon din po kami for working capital, P5 million per association or cooperative," ani Agricultural Credit Policy Council Executive Director Jocelyn Badiola.

"We will make sure na andiyan pa rin ang mga credit programs na mas mababa na ang interest kaysa dati," ani acting Agriculture Secretary William Dar.

Pero hindi naman ramdam ng mga magsasaka, tulad ni Narcing Manalad, ang mga programa ng gobyerno.

"Saan sasapat 'yang P15,000 na 'yan? Samantalang 'yong puhunan mo lang sa pagsasaka ay dito pa lang sa mga input, halos P10,000 plus na," ani Manalad.

Nauna nang idinaing ng mga magsasaka na lumagapak sa P7 hanggang P11 ang presyo ng kada kilo ng palay mula P17 hanggang P20 noong 2018.

Ipinangako rin ng gobyerno na sa huling 3 buwan ng taon mararamdaman ng mga magsasaka ang kalahati ng rice competitive enhancement fund (RCEF) na manggagaling sa koleksiyon ng taripa ng mga inangkat na bigas.

Pero ayon sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang mga miyembro ng mga rehistradong kooperatiba ng gobyerno lang ang matutulungan nito.

"Out of 2.7 million na rice farmers, 150 lang ang registered," ani KMP chairman Danilo Ramos.

"Hindi po ganoon kadali ang sumama at magbuo ng kooperatiba," dagdag ni Ramos.

Sa kabila ng bagsak-presyong palay, nanatiling P30 ang presyo ng kada kilo ng pinakamurang inangkat na bigas habang P33 kada kilo sa lokal na bigas sa ilang pamilihan.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.