Higit 180,000 nawalan ng trabaho sa Pilipinas mula Enero: labor dep't | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 180,000 nawalan ng trabaho sa Pilipinas mula Enero: labor dep't

Higit 180,000 nawalan ng trabaho sa Pilipinas mula Enero: labor dep't

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Umabot na sa 180,207 ang bilang ng mga nawalan ng trabaho sa Pilipinas ngayong taon, kasabay ng COVID-19 pandemic.

Batay ito sa Regular Job Displacement Monitoring Report na inilabas ngayong Miyerkoles ng Department of Labor and Employment, na nangalap ng datos mula Enero hanggang katapusan ng Agosto.

Ayon sa DOLE, nanggaling ang mga naturang nawalan ng trabaho mula sa 9,548 establisimyento o kompanya.

Maraming nawalan ng trabaho sa mga buwan na pumutok ang pandemya, ayon sa kagawaran.

ADVERTISEMENT

Marami umano kasing naapektuhan ng retrenchment o pagbabawas ng mga manggagawa habang ang iba ay dahil sa permanenteng pagsasara ng kanilang pinagtatrabahuhan.

Sa datos ng DOLE, pinakamaraming nawalan ng trabaho ay galing sa National Capital Region, kung saan 89,531 ang displaced workers mula sa 3,942 na establisimyento.

Pangalawa naman ang CALABARZON na may 34,694 displaced workers mula sa 1,556 na establisimyento.

Ibinase ng DOLE ang datos sa abiso o notices of shutdown and retrenchment na isinusumite ng mga employer sa regional offices ng kagawaran.

Nasapul ang mga negosyo dahil sa lockdown na ipinatupad para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Bumagsak sa "recession" ang ekonomiya ng bansa mula Abril hanggang Hunyo dulot ng epekto ng pandemya.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.