Gasolinahan sa Maynila noong Marso 15, 2022. George Calvelo, ABS-CBN News/File
(UPDATE) Pumalo sa higit P6 ang pagtaas sa presyo ng diesel at kerosene, na ipatutupad ng mga kompanya ng langis sa Martes, Agosto 30.
Narito ang halaga ng malakihang oil price hike na ipatutupad sa Martes, base sa abiso ng mga kompanya:
Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P6.10/L
KEROSENE +P6.10/L
Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P6.10/L
KEROSENE +P6.10/L
PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Jetti Petroleum, Petro Gazz (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P6.10/L
Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA +P1.40/L
DIESEL +P6.10/L
Ayon sa Department of Energy, tumaas ang demand dahil nagsimula nang mag-imbak ng langis ang mayayamang bansa para sa pagdating ng taglamig.
Aabot ng P16.80 ang kabuuang rollback ng diesel sa loob ng 7 linggo pero sa 2 linggong oil price hike pa lang, kasama na ang sa Martes, katumbas na ito ng P8.70.
Taas-pasahe
Umapela naman ang Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFBR) na itaas na ang base fare sa P15 mula P11.
Ayon naman sa LTFRB, panahon na rin para magtaas ng singil ang mga jeep pero pagdedesisyunan pa kung magkano.
"They are due naman na talaga for increase... just a question of that kung magkano ang maibibigay namin na hindi siya magkakaron ng malaking impact sa inflation at impact sa commuters na who would bear the brunt of this fare hike," ani LTFRB Chairperson Cheloy Farafil.
May hinihintay lang umanong dokumento ang LTFRB sa grupo ng jeepney drivers na naghain ng petisyon. Posible umanong makapaglabas na sila ng desisyon sa susunod na linggo.
Bukod sa jeep, may nakabinbin ding fare hike petition ang mga bus, taxi, TNVS at UV Express driver na kailangan pang dinggin at desisyunan ng LTFRB.
— Ulat ni Alvin Elchico at Jacque Manabat, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.