Pilipinas isa sa 'pinakamababa' magpasuweldo sa higit 100 bansa, ayon sa pag-aaral | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pilipinas isa sa 'pinakamababa' magpasuweldo sa higit 100 bansa, ayon sa pag-aaral

Pilipinas isa sa 'pinakamababa' magpasuweldo sa higit 100 bansa, ayon sa pag-aaral

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Isa ang Pilipinas sa pinakamababang magpasuweldo sa mahigit 100 bansa, batay sa pag-aaral ng isang international e-commerce website.

Ayon sa picodi.com, pang-95 ang Pilipinas sa 110 bansa pagdating sa pagpapasuweldo ng mga manggagawa.

Nasa P15,200 ang average salary ng Pilipinas, malayong-malayo sa ika-1 na Switzerland na may P296,000 na average salary.

Mababa rin ang pasuweldo ng Pilipinas kumpara sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia tulad ng Malaysia, Thailand, at Vietnam.

ADVERTISEMENT

Ginawa ang survey nitong Agosto 2020 sa pamamagitan ng pagproseso ng mga datos mula sa website na Numbeo, isang crowd-sourced database.

Ikinalungkot ng labor group na Associated Labor Unions (ALU) - Trade Union Congress of the Philippines ang resulta.

“Ang implikasyon po ng maliit na sahod ay mapipilitan 'yung mga manggagawang maghanap ng trabaho abroad kung saan mas malaki ang sahod at mas maganda ang kanilang benepisyo o kaya ay mapipilitan na maghanap ng extra jobs,” ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng grupo.

Nananawagan ang grupo sa mga employer na magkaroon ng dayalogo para taasan ang pasuweldo ng kanilang mga manggagawa.

Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines, nagbigay ng maling konklusyon ang nasabing ranking.

Kulang kasi anila sa konteksto ang listahan dahil hindi nito ikinokonsidera ang ekonomiya ng bawat bansa.

"It does not mean na 'pag mababa 'yung (pasuweldo) mo, is, inaagrabyado natin 'yung workers, 'no? Ano ba ang cost of living dito? Ano ba inflation dito? Ano ba availability ng jobs? Ano ba ang investments? If you do not take that into context, eh walang meaning 'yung pataasan sa (pasuweldo),” ani ECOP president Sergio Ortiz-Luis.

Hindi rin aniya napapanahon ang wage increase dahil hindi kakayanin ng ekonomiya ng bansa.

— Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.