Ilang karinderya umaaray sa taas-presyo ng siling labuyo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang karinderya umaaray sa taas-presyo ng siling labuyo

Ilang karinderya umaaray sa taas-presyo ng siling labuyo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA— Umaaray ang ilang may-ari ng mga karinderya dahil sa pagtaas kamakailan ng presyo ng siling labuyo.

Kung noon, puno ng siling labuyo ang basket sa karinderya ni Jayson sa Sta. Mesa, Manila, ngayon, ilang piraso na lang ang laman nito.
Imbes na kada kilo, tingi-tingi na lang ang sili na kaniyang binibili.

Nitong mga nakaraang araw, pumalo na sa P400 hanggang P600 ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo.

Kwento ni Jayson, sa P20 niya, 4 na piraso ng siling labuyo lang ang kaniyang nabilbili kaya kapag may mga customer na humihirit ng ekstrang sili, pinagbabayad na nila ang mga ito ng P5 kada piraso.

ADVERTISEMENT

Sa isang paresan naman sa Malate, tumigil na muna sa pagbili ng sili kahit na ito pa rin ang paboritong hanapin sa kanila ng mga customer. Saka na lang sila bibili, kapag bumaba na muli ang presyo nito.

"Noong bumili po kami ng sili around P20 pesos lang siya kada kilo. Nakapag-stock na po kami ng 10 sacks bago siya nagmahal... Ngayon 'di na muna kami bibili. Bakit? Bale may alternative na po kaming ginagamit. Gumagamit na muna kami ng hot sauce para sa pangangailangan ng customer," ani Russell Reyes, may-ari ng paresan.

Bagamat ang ilang customer, mahilig maglagay ng sili sa kanilang mga putaheng kinakain, nauunawaan naman nila ito.

Sa ilang palengke nitong linggo, nagkaroon ng kakulangan sa supply ng siling labuyo dahil tag-ulan. Mas mahirap umano magpabunga ng sili tuwing tag-ulan kaya kaunti lang ang mga siling naipadadala sa mga pamilihan.

—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.