Ika-6 sunod na rollback sa petrolyo posible, ayon sa DOE, mga eksperto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ika-6 sunod na rollback sa petrolyo posible, ayon sa DOE, mga eksperto

Ika-6 sunod na rollback sa petrolyo posible, ayon sa DOE, mga eksperto

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpapakarga ang ilang sundalo sa gasolinahan sa Taguig City. Mark Demayo, ABS-CBN News
Nagpapakarga ang ilang sundalo sa gasolinahan sa Taguig City. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA - Posibleng magkaroon muli ng rollback sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.

Ito ay base umano sa unang tatlong araw ng trading sa world market.

Lagpas P3 na ang ibinagsak sa imported diesel at kerosene habang P1 naman sa kada litro ng gasolina.

Umaasa ang Department of Energy na magtutuloy-tuloy ang pagbagsak ng presyo sa world market sa darating na araw.

ADVERTISEMENT

"Kung ang pagbabasehan lang natin ay ang Monday trading, mukhang magkakaroon ng rollback next week kung magsusunod-sunod at walang ibang development na makakahatak ng nasabing presyo... Ang kadahilanan po sa nakitang rolbak yung pagbaba ng Chinese consumption, pagbuhay ng muli ng US-Iran deal at saka yung pagbaba ng demand," ani Energy Assistant Director Rodela Romero.

Paliwanag pa ng mga eksperto, malaki ang posibilidad na masundan ang rollback sa susunod na linggo dahil ang general forecast ay pababa na rin ang magiging presyo sa international market.

"Kahit na sabihin na bahagyang tumaas sya versus monday nandun ang posibilidad na mas magiging mababa ang average this week compared to last week at ang magiging resulta po moon is potential rollback for next week... Ang potential rollback for diesel is malaki laki kaysa sa gasoline," ani Leo Bellas, presidente ng Jetti Petroleum.

Dahil sa anim na sunod-sunod na rollback, umaabot na sa halos P16 ang natapyas sa presyo ng kada litro ng diesel, P13.20 sa gasolina, at P15 sa kerosene.

Gayunman, mas malaki pa rin ang naging net increase sa petrolyo sa kabuuan ngayong taon.

Mula Enero, nasa P30 pa ang net increase ng diesel, P17 naman sa gasolina at P24.75 sa kerosene.

Ibig sabihin, mas marami at malaki pa rin ang itinaas sa presyo ng petrolyo kaysa nai-rollback sa unang 8 buwan ng taon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.