Presyo ng diesel tataas nang P4/L simula Agosto 8 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng diesel tataas nang P4/L simula Agosto 8

Presyo ng diesel tataas nang P4/L simula Agosto 8

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 07, 2023 07:56 PM PHT

Clipboard

Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City, Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Mga motoristang nagpapakarga sa gasolinahan sa Pasig City, Oktubre 10, 2022. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Magkakaroon ng malaking pagtaas sa presyo ng diesel simula Martes, Agosto 8.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, tataas din ang presyo ng ibang produktong petrolyo. Narito ang halaga ng dagdag-presyo:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
DIESEL +P4/L
GASOLINA +P0.50/L
KEROSENE +P2.75/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P4/L
GASOLINA +P0.50/L
KEROSENE +P2.75/L

ADVERTISEMENT

PTT Philippines, Jetti Petroleum, Unioil, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
DIESEL +P4/L
GASOLINA +P0.50/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
DIESEL +P4/L
GASOLINA +P0.50/L

Watch more News on iWantTFC

Kung susumahin ang oil price hike mula Hulyo 10 hanggang Agosto 8, aabot na sa P10.80 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel, P5.85 sa gasolina at P8.65 sa kerosene.

Ang pangunahing rason ng pagtaas ng presyo ay ang bawas-produksiyon ng langis sa Saudi Arabia at Russia, ayon sa Department of Energy.

Dahil mas matindi ang tama ng taas-presyo sa pampublikong transportasyon, gaya ng bus at jeepney, humihingi na ng ayuda sa gobyerno ang mga transport groups.

Minamadali naman na umano ni Transport Secretary Jaime Bautista ang paglabas ng P3 bilyon pondo mula sa Department of Budget and Management para paghati-hatian ng mga tsuper ng public utility vehicles.

Katumbas ito ng tig-P10,000 sa modern jeepney, P6,500 sa traditional jeepney at TNVS, at P1,000 sa tricycle.

Iginiit naman ng grupo ng mga jeepney driver na dapat ituloy pa rin ang dagdag-pasahe tuwing "rush hour."

Ang isa pang hirit ng mga tsuper ay ibalik ng mga kompanya ng langis ang diskuwento sa jeep.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad