Maynilad, Manila Water pinagpapaliwanag sa mga lumobong water bill | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maynilad, Manila Water pinagpapaliwanag sa mga lumobong water bill

ABS-CBN News
Published Jul 29, 2020 02:53 PM PHT
|
Updated Jul 30, 2020 07:07 PM PHT

(UPDATE) Pinagpapaliwanag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang Maynilad at Manila Water dahil sa mga dumadaming reklamo ng mga konsumer sa mataas na bayarin sa tubig.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, nagpalabas na sila ng show cause order sa 2 water concessionaire matapos makatanggap ng 400 billing complaints mula sa mga konsumer.

"We are investigating a lot of these complaints because we’ve also been receiving a lot of similar issues that there was an error in meter-reading," ani Ty.

"We are also monitoring a lot of complaints with regard to leaks, that alleged leaks that consumers are being penalized with," dagdag niya.

Ayon kay Ty, puwedeng hindi muna bayaran ang bill kung may reklamo pa dahil sa Setyembre pa puwedeng magputol ng serbisyo ang mga concessionaire para sa mga hindi nakabayad.

Ayon sa Maynilad, iniisa-isa na nila ang mga reklamong natatanggap, na wala pa umanong isang porsiyento sa kabuuan ng kanilang customers na 1.46 milyon.

Sinabi naman ng Manila Water na 7 porsiyento lang ng kanilang kostumer ang nagtanong o nagreklamo tungkol sa bill.

Higit 6,000 naman ang may tamang bill reading habang halos 400 naman ay dahil sa butas sa tubo, sabi ng Manila Water.

Ayon sa Maynilad at Manila Water, handa naman silang sagutin ang MWSS habang sila mismo ay iniimbestigahan ang bawat reklamong natatanggap nila.

-- Ulat nina Raya Capulong at April Rafales, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
tubig
utilities
water bill
Maynilad
Manila Water
Metropolitan Waterworks and Sewerage System
show cause order
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT