DOH nangangailangan ng 26,000 kontraktuwal na health workers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH nangangailangan ng 26,000 kontraktuwal na health workers

DOH nangangailangan ng 26,000 kontraktuwal na health workers

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Higit 26,000 posisyon ang binuksan ng Department of Health (DOH) para sa community health workers.

Sa inaprubahang budget para sa deployment program ng DOH, 26,035 na kontraktuwal na posisyon ang binuksan ng ahensiya para sa health workers.

Kasama sa mga posisyong maaaring aplayan ay doctor, dentista, nurse, medical technologist, nutritionist-dietitian, pharmacist, physical therapist, at midwife.

"Ito 'yong mga profession na kailangan natin sa rural health units usually. Sa highly-urbanized cities and independent component cities, nakikita sila sa mga health center natin" ani Kenneth Ronquillo, direktor ng Health Human Resource Development Bureau ng DOH.

ADVERTISEMENT

Kahit kontraktuwal ang posisyon ay makatatanggap umano ang mga manggagawa ng benepisyo tulad sa regular na empleyado ng gobyerno.

Ayon sa DOH, isang taon ang kontrata na ire-renew din base sa performance ng manggagawa.

Tutol naman sa uri ng employment na ito ang Alliance of Health Workers.

"Kung tuloy-tuloy itong offer ng ating gobyerno na pag-offer ng contractualization ng health workers, talagang aalis ang ating health workers," ani Alliance of Health Workers National President Robert Mendoza.

Ayon naman sa DOH, may proseso ang pag-apruba ng mga regular na posisyon.

"Inaayos natin 'yan with the Department of Budget and Management, and within the context ng Universal Health Care law," depensa ni Ronquillo.

Ayon pa sa DOH, bago sila makapag-apruba ng mga regular na posisyon ay kailangang matiyak na sapat ang bilang ng graduates na handang maging health workers sa bansa.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.