Presyo ng ilang gulay tumaas dahil sa pag-ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo ng ilang gulay tumaas dahil sa pag-ulan

Presyo ng ilang gulay tumaas dahil sa pag-ulan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 25, 2021 06:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumaas nang hanggang P40 kada kilo ang presyo ng ilang gulay sa mga pamilihan sa Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan nitong mga nagdaang araw.

Sa Commonwealth Market sa Quezon City, halimbawa, narito ang mga presyo ng gulay

  • Repolyo - P80 kada kilo mula P40-P50
  • Carrots - P60 kada kilo mula P40
  • Patatas - P50 kada kilo mula P35
  • Kamatis - P80 kada kilo mula P60
  • Red/green bell pepper - P140 kada kilo mula P100
  • Pipino at talong - P60 kada kilo mula P35
  • Ampalaya at sitaw - P60 kada kilo mula P40

Ayon sa mga nagtitinda, ikatlong araw ngayong Linggo mula nang magtaas-presyo dahil sa mga pag-ulang dala ng habagat.

Marami na rin umano sa mga dumadating na gulay ay nalalanta o nasisira na.

ADVERTISEMENT

"'Yong iba lusaw-lusaw. Basta mas konti 'yong dating ng supply ngayon kumpara sa dating supply," anang tindera na si Josephine Bungalos.

Ayon sa mga magsasaka sa Benguet, marami sa mga gulay ang nasira dahil sa pag-ulan.

Hindi pa rin nila ma-harvest umano ang mga patatas hangga't hindi bumubuti ang panahon.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA), karaniwan sa mga ganitong buwan ang pagkasira ng mga gulay dahil sa ulan o bagyo.

Posibleng matagalan pa umano bago bumaba ulit ang mga presyo sa mga pamilihan, lalo na kapag patuloy ang ulan o may panibagong bagyong darating.

"Maybe August if we have good weather then meron meron na tayong mga improvement sa presyo ng ating gulay," ani Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista.

Tiniyak naman ng DA na alam nila saang mga lugar ang may malaking produksiyon ng gulay o agricultural commodities na puwedeng pagkuhanan para sa mga lugar na sinalanta ng bagyo at may kakulangan ng supply.

— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.