ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo simula Hulyo 19 | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo simula Hulyo 19

ALAMIN: Rollback sa presyo ng petrolyo simula Hulyo 19

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 18, 2022 07:28 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

(UPDATE) Sa ikatlong sunod na linggo, magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga kompanya ng langis, narito ang ipatutupad nilang bawas-presyo, epektibo sa Martes, Hulyo 19:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA -P5/L
DIESEL -P2/L
KEROSENE -P0.70/L

Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P5/L
DIESEL -P2/L
KEROSENE -P0.70/L

ADVERTISEMENT

Petro Gazz, Jetti Petroleum, PTT Philippines, Phoenix Petroleum (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA -P5/L
DIESEL -P2/L

Cleanfuel (Alas-8:01 ng umaga)
GASOLINA -P5/L
DIESEL -P2/L

Ayon sa Department of Energy (DOE), humina ang konsumo ng langis sa buong mundo dahil sa paghina ng maraming ekonomiya at lockdown sa ilang lugar sa China.

Simula Martes, dahil sa sunod-sunod na rollback, mas mababa na sa P90 kada litro ang gasolina at kerosene sa Metro Manila.

Naglalaro naman sa P73 hanggang P84 ang diesel, malayo sa pinangangambahang P100 kada litro noong nakaraang buwan.

Hindi naman matiyak ng mga taga-industriya kung magtutuloy-tuloy ang rollback o babawi ang oil price hike sa mga susunod na linggo.

"Nandoon pa rin naman, nakaamba pa rin. Hindi pa rin nare-resolve ang tightness in supply so kung may makakadagdag pa ng factors... may posibilidad ulit na tumaas," ani Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

"Sa tingin ko mas malaki ang psoibilidad na hindi magkaroon ng increase nang sobra, na kagaya ng nakita natin in the past... Sana diretso lang at magkaroon pa ng rollback," ani Eastern Petroleum President Fernando Martinez.

Samantala, nakatakda sanang manumpa bilang Energy secretary si Rafael "Popo" Lotilla pero nahawahan naman siya ng COVID-19 nitong nagdaang weekend.

Ayon sa DOE, kahit naka-isolate si Lotilla ay alam nito ang mga update at isyung kailangang aksyunan ng kagawaran.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.