Meralco naglabas ng guidelines sa pagkuha ng refund sa estimated blills | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Meralco naglabas ng guidelines sa pagkuha ng refund sa estimated blills

Alvin Elchico,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2020 04:12 PM PHT
|
Updated Jul 13, 2020 07:15 PM PHT

Inilabas ngayong Lunes ng Meralco ang guidelines o alituntunin sa pagkuha ng refund sa binayaran ng mga kostumer na estimated bill noong lockdown.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay iniutos ng Energy Regulatory Commission sa distribution utilities na ibalik ang nasingil na "estimated bills" noong mga nakalipas na buwan.

Kung hanggang P10,000 ang refund, cash itong ibibigay samantalang tseke naman kapag lagpas sa naturang halaga.

Sa mga gustong mag-refund, kailangan magdala ng ID at pruweba ng binayaran, tulad ng resibo.
Sa mga gustong mag-refund, kailangan magdala ng ID at pruweba ng binayaran, tulad ng resibo.
ADVERTISEMENT
Kung nakapangalan sa iba ang bill, kailangan ng authorization galing sa may-ari.

Kung patay na ang nakapangalan sa bill, kailangang magpakita ng patunay na kamag-anak ang kumukuha ng refund.

"Pera 'yan eh so kailangan maingat kami... kasi mahirap 'yong tinatawag natin na mapunta ang pera sa hindi tamang tao," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

Sa mga nagbayad naman gamit ang credit card o automatic debit o app, kailangan munang tumawag sa 16211 o makipag-ugnayan sa social media accounts ng Meralco.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
konsumer
utilities
Meralco
kuryente
electricity bill
estimated bill
TV Patrol
Alvin Elchico
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT