Utos na refund sa siningil na 'estimated bills' inilabas na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Utos na refund sa siningil na 'estimated bills' inilabas na

ABS-CBN News
Published Jul 09, 2020 07:25 PM PHT
|
Updated Jul 09, 2020 08:07 PM PHT

MAYNILA — Naiinis ang manikuristang si Vilma Pasamba dahil matapos niyang bayaran ang Meralco mula Marso hanggang Mayo, katumbas pa rin ng 3 bayaran ang nakuha niyang June bill.

"Bayad ko na po ang 4 na buwan eh... pero hindi ko matanggap kung bakit ganito ang bill ko," aniya.

Isa si Pasamba sa mga kuwalipikado sa refund ng Meralco.

Inilabas ngayong Huwebes ng Energy Regulatory Commission ang utos na refund, na sakop ang Meralco at iba pang distribution utilities na naningil ng "estimated bills" noong mga nakalipas na buwan.

ADVERTISEMENT
Kabilang sa mga pinababalik sa mga konsumer ang siningil na ilang charges na pinatigil na ng komisyon.

Sa kaso ng Meralco, nasa higit 4.5 milyon na kostumer ang nagkaroon ng kalituhan dahil sa May billing.

"Paumanhin sa mga customer na naguluhan sa kanilang May bills," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.

"Lilinawin lang individually kung ano ang kanilang batayan ng bill, ano 'yong reading noong Mayo," paliwanag ni Zaldarriaga.

Dahil aminado ang Meralco sa pagkukulang, pinawi nila ang pangamba ng kostumer na baka maputulan kapag hindi nakabayad.

"Between now and the end of September there will be no disconnection whatsoever," ani Zaldarriaga.

Samantala, isinusulong ng ERC sa Kongreso na gawan ng batas para magamit ang mga "unclaimed refund" sa kaso ng income tax at meter deposit nitong nakaraang taon, na umaabot sa P2.5 milyon.

Nakatengga lang ang pera sa Meralco habang hinihintay ang desisyon ng gobyerno.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kuryente
konsumer
utilities
Meralco
Energy Regulatory Commission
refund
estimated bill
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT