Mataas na palit ng piso vs dolyar, ramdam ba ng OFWs sa gitna ng inflation? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mataas na palit ng piso vs dolyar, ramdam ba ng OFWs sa gitna ng inflation?

ABS-CBN News
Published Jul 13, 2018 10:03 PM PHT
|
Updated May 29, 2019 03:48 PM PHT

Nauna nang sinabi ng gobyerno na ang mahinang piso kontra dolyar ay maganda para sa overseas Filipino workers (OFW) at exporters kaya't hindi ito dapat ikaalarma.

Pero nakikinabang nga ba talaga ang mga OFW at kanilang pamilyang pinadadalhan dito sa bansa?

Ang seaman na si Trubin Mortillero, inaming natutuwa sa palitan ng dolyar sa piso ngayon na naglalaro sa ito sa P53, ang pinakamababa nitong antas sa loob ng 12 taon.

Sa paglagapak kasi ng piso, mas tumataas ang palit nito sa bawat dolyar. Pero pag-amin ni Mortillero, hindi rin daw ganoon kaganda ang epekto nito sa budget ng kaniyang pamilya lalo't sinabayan ito ng taas-presyo.

"Eh 'yung bilihin mataas din eh, parehas lang eh. Iyung nakaraang taon medyo okay, 'yung bilihin mababa at 'yung dolyar lumalaban sa P50," aniya.

Kahit kasi mas malaki na ang pagpapalit, umaarangkada rin ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Ang problema pa, may mga OFW na hindi nakikinabang sa paghina ng piso dahil nawalan sila ng trabaho.

Kasama rito si Saidamen Decca na tinanggal sa trabaho niya sa Saudi Arabia.

"Bale 2 years ang contract eh natapos ko lang 21 months...Karamihan du'n, pinapauwi nila kasi nga nagpapalit ng mga workers eh," hinaing niya.

Isa lamang siya sa lagpas 1 milyong OFW na bumalik sa Pilipinas noong 2017 sa ilalim ng programa para sa repatriation ng Department of Labor And Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Pero ayon sa isang remittance company, mas maganda pa rin ang kalagayan ng mga kumikita ng dolyar dahil nagagamit ito ng mga OFW sa sari-saring investments tulad ng puhunan sa bahay, kotse, at negosyo.

"There is a substantial increase in investments, not only in real estate property, but in consumption like purchases of cars and purchases for doing business. I can say, it's about 10 to 15 percent increase," ayon kay Harris Jacildo, presidente ng kompanyang resident I-Remit.
—Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News