In-car dining, alok ng isang restaurant sa Bacolod City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
In-car dining, alok ng isang restaurant sa Bacolod City

ABS-CBN News
Published Jul 08, 2021 08:10 PM PHT

Isang restaurant sa Bacolod City ang nakahanap ng paraan para maitawid ang negosyo sa gitna ng pandemya.

Ayon sa may-ri ng Thirdwave Restaurant na si Laverne Traifalgar, naiintindihan nilang may pangamba pa rin sa pagdadine-in sa mga restaurant, kaya naisipan nila ang konsepto ng dine-in sa loob ng sasakyan.

Paparada umano ang customer para kunan ng order, saka ipapasok sa loob ng sasakyan ang customized na mesa sa loob kung saan ipapatong ang order niyang pagkain.

Ayon kay Traifalgar, kailangan mag-adapt sa pandemya para maka survive ang negosyo.

ADVERTISEMENT
Si Traifalgar at ang kanyang mister ay nagtatrabaho dati sa cruise ship, pero hindi na nakabalik pa dahil sa pandemic.

Kuwento niya, kumukuha sila ng supplies sa local producers para makatulong dahil marami na ring nagsasara na mga negosyo dahil sa pandemya.

Isa ang kanilang restaurant sa 11 mga establisyemento sa Negros Occidental na tinanggap ang hamon ng “Wala Usik Economy”, isang non-government organization na nagkakampanyang tigilan na ang paggamit ng plastic.

Dahon ang nilalagyan nila ng pagkain. May pinapahiram silang lalagyan sa mga customer na gustong mag-take out, pero dapat itong ibalik. Kaya dapat munang mag-register ang customer.

May lalagyan ng kape din silang pinapahiram, at magre-refill na lang ang customer tuwing gusto niyang magkape.

Stainless straw din ang gamit nila.
Stainless straw din ang gamit nila.
Ayon pa kay Traifalgar, ngayong panahon ng pandemic, halos lahat ng tao nagpapa-deliver ng pagkain at kadalasan sa plastic container ito inilalagay. Ayaw na nila makadagdag pa sa dumadaming plastic na basura.

“Ako mismo, nagpapa-deliver ng pagkain at ang daming plastic container na naipon sa bahay. Kami lang yun. 'Yung mga kapitbahay ko? Yung buong Bacolod City? Ang buong Pilipinas? Ginagawa ko ito hindi bilang isang negosyante, kundi bilang isang indibidwal na gustong ingatan ang natitira sa kapaligiran natin,” sabi niya.

- Ulat ni Romeo Subaldo
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Dine in sa sasakyan
Bacolod City
Restaurant dine in new normal
COVID-19 pandemic
Coronavirus
COVID impact on businesses
Tagalog news
Regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT