ALAMIN: Proseso sa pagpili ng mga bayani na itatampok sa pera | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Proseso sa pagpili ng mga bayani na itatampok sa pera

Michelle Ong,
ABS-CBN News
Published Jun 12, 2018 06:19 PM PHT

Kilala niyo ba ang mga taong nasa pera ng Pilipinas at kung ano ang prosesong pinagdaanan upang maitampok ang kanilang mga mukha rito?

Ayon nga sa historian na si Ambeth Ocampo, ang pera ay parang "calling card" ng isang bansa.

Ito ang dahilan kaya't makikita si Mao Zedong sa mga salapi ng China, si Mahatma Gandhi sa India, George Washington sa Amerika, at si Queen Elizabeth para sa Britanya at mga colony nito.

Ganito din ang pananaw ng isa pang historian na si Michael Charleston "Xiao" Chua.
"When we look at our money, we don't just see currency, we don't just see economy, but we also see a part of our story there," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT
Ibinunyag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mahabang proseso ang pinagdadaanan sa pagpili at pagdidisenyo ng mga pera.

Anila, isa kasi itong instrumento na bukod sa pangkalakaran ay para rin sa paggunita ng mga importanteng tao at kaganapan sa kasaysayan.

"[For example] the World War 2 heroes Josefa Llanes Escoda, si Vicente Lim, and Jose Abad Santos [na nasa P1,000]. They were martyrs. Escoda was an educator who fought for women suffrage," ani Grace Malic, deputy director ng BSP.

May paliwanag din si Malic kung bakit ang national hero na si Jose Rizal ay nasa maliit na denomination lamang na piso.

"Rizal is known to all, halos lahat pati school children, so du'n siya sa pinakamaraming denomination. Siya 'yung nagsi-circulate sa grassroots level," aniya.

Ayon sa BSP, nagsisimula ang proseso sa "numismatics" committee na siyang gumagawa ng pangunahing pagsasaliksik.
Ang numismatics ay ang tawag sa disiplinang sumesentro sa pag-aaral ng mga salapi.

Ibibigay ng komite ang proposal sa monetary board, bago ito makarating sa pangulo ng bansa.
Kadalasang tumatagal ang proseso ng ilang taon, na karaniwan ay tinuturing pang isang "political decision."

May payo naman si Chua para sa mga susunod na mangangasiwa at magdedesisyon sa disenyo ng pera ng Pilipinas.

"[D]ecision-makers [should] weigh if it would still be good to add people, with families that are still around in politics. Because when these people who have political families are still around, they generate emotional feelings," ayon sa historian.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
money
pera
history
kasaysayan
currency
design
Bangko Sentral ng Pilipinas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT