'Palitan ng piso vs dolyar, maaaring umabot sa P53' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Palitan ng piso vs dolyar, maaaring umabot sa P53'

'Palitan ng piso vs dolyar, maaaring umabot sa P53'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi malayong sumampa sa P53 ang palitan ng piso kontra dolyar bago magtapos ang taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) at ilang bangko sa bansa.

Nitong Lunes, nagsara sa P52.95 ang halaga ng piso kontra dolyar. Ito ay itinuturing na pinakamababang antas ng palitan sa loob ng 12 taon.

"It's more of the strengthening of the dollar rather than the weakening of the peso," ani DBM Sec. Ben Diokno. "We have adjusted our target to P53."

Paliwanag ng DBM, lumalakas ang dolyar dahil tumitibay rin ang ekonomiya ng Amerika kaya maraming investors ang iniiwan ang ibang currency mula sa mga emerging market gaya ng Pilipinas para mamuhunan sa dolyar.

ADVERTISEMENT

Isang dahilan din ang malakas na pag-import ng Pilipinas para sa mga materyales na gagamitin sa infrastructure projects dahil dollar ang ginagamit pambayad dito.

Marami sa mga bangko, inaasahang hihina ang piso patungo sa P53 kada dolyar, o lagpas pa, bago ito inaasahang lumakas muli sa katapusan ng taon kasabay ng kadalasang pagpapadala ng mga dolyar ng mga overseas Filipino worker sa kapaskuhan.

EPEKTO SA PADALANG PERA

Labintatlong taon nang nagtratrabaho bilang teacher sa China ang nanay nina April at Kervin Glorioso.

Bunsod ng paghina ng palitan ng piso, pumapalo na ngayon sa P40,000 ang padalang perang natatanggap ng magkapatid mula sa kanilang ina.

Dati-rati'y nasa halagang P35,000 lamang daw iyon.

Ayon kay Kervin na namamahala ng pera para sa kanilang pamilya, dati ang gastusin nila kada buwan ay nasa P40,000 kasama na ang grocery, kuryente, allowance, school service, at gasolina.

Nag-aabono noon si Kervin dahil di sapat ang P35,000 na padala ng ina.

Ngayon tumaas man sa p40,000 ang padala ng ina, lumobo rin ang gastusin kaya abonado pa rin si Kervin.

Ayos pa rin naman daw dahil kahit paano'y nakakasabay sila sa bayarin ng naglakihang bilihin.

"Parang ang nangyari naging level lang din, tumaas nga 'yong padala, tumaas din naman 'yong bilihin natin," ani Kervin.


-- Ulat ni Michelle Ong, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.