Nagbabadyang tumaas ang singil sa kuryente ngayong Hunyo, sabi ngayong Lunes ng Meralco.
Tataas umano ang singil hindi dahil sa nagmahal na supply kundi mawawala na ang P0.87 na refund, na isang taon ding napakinabangan ng mga konsumer.
Hulyo 2022 pa nagsimula ang P22 bilyon na refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission sa Meralco.
"Ngayong Hunyo, hindi na yan makikita sa bills ng customers natin so magkakaroon ng additional na P0.87 dahil wala nang refund, as a single factor that will already impact on the overall rates," ani Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga.
Ayon kay Zaldarriaga, mukhang may bawas naman sa presyo ng kuryente galing sa mga kakontrata nilang suppliers kaya siguradong hindi naman sobrang laki ng magiging dagdag-singil sa June billing.
"Definitely 'di ito aabot ng 87 centavos dahil nakikita nga nating may pagbaba sa halaga ng generation cost," aniya.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.